Ano nga ba ang magiging kalagayan ng ating wikang Filipino sa mga sumusunod na mga taon? Dapat nga ba itong pagyamanin o sadyang mahalin na lang natin? Para sa akin ano man ang magiging kalagayan ng ating wikang Filipino sa ika-21 siglo ay nasa atin na iyon kung ito ba ay patuloy na magagamit sa araw-araw na buhay natin, sa bahay man o sa trabahong ating kabibiblangan o wikang Ingles ang ating gagamitin. Sa aminin man natin o hindi sa tanggapin man natin o hindi ang wikang Ingles sa ngayon ang pinagyayaman dahil ito po ay lengguwaheng naiintindihan ng lahat ng bansa. Ito po ang nagsisilbing daan para mag kaunawaan ang iba-ibang tao na nabibilang sa iba't ibang bansa. Marahil ang wikang Filipino sa ika-21 siglo ay tunay na hindi na magpagyayaman bagkus ito naman ay pauloy na mamahalin ng mga Pilipino, ibig sabihin tayong mga mamamayan na nabibilang sa bansang ito.
Naaalala ko pa ang sinabi na aking tatay na noong bago pa lamang siya sa Maynila, siaya hindi marunong ng wikang Tagalog o Filipino ang ginagamit niya wikang Bicolano at Ingles. Matagal bago siya matututong magsalita ng wikang Tagalog. Dahil ang tatay ko ay matatas magsalita ng wikang Ingles at Bicol at medyo sa Latin din. Ngayon, lagi na lang siyang nagtatagalog. Ngunit kapag nagsusulat ay sa wikang Ingles. Kaya ang gusto ko ay maging katulad sana ng aking ama. Pero nabigo ako dahil hindi ko na pantayan ang katalinuhan na mayroon siya. Kaya ngayon, nag- aaral ako para kahit papaano hindi ako nagpapahuli sa aking ama.
Ang sabi ng ating pamabansang bayani na si Dr. Jose Rizal "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabaho at malansang isda". Sa puntong ito sumasang- ayon ako sa ating bayani, pero ang sa akin hindi naman kasi wikang Filipino ang ginagamit sa ibang bansa kung halimbawang may pagkakataon na makapangibang bansa. Di ba po Ingles ang ginagamit para magkaunawaan. Lahat ng bansa may kanya-kanyang lengguwaheng maaangkin pero ang katotohan ay Ingles pa rin ang ginagamit para maunawaan ng ibang lahi ang mga bagay na nais niyang iparating. Halimbawa na lang dito sa atin, ang mga dayuhan katulad ng Instik, Koreano, Indian o maging taga Gitnang Silangan. Silang lahat ay wikang Ingles ang pinagyayaman upang magamit sa pakikipag-ugnayan. Kaya nga ang masasabi ko, patuloy kong mamahalin ang wikang atin, pero ang wikang Ingles ay aking pagyayamanin. Sapagkat kapag marunong ka nito madali ang pakikipag-ugnayan sa mga tao lalo na roon sa mga miyembro ng alta sa siudad at sa mga taong may mataas na pinag-aralan. Kahit sa trabaho Ingles ang karamihang ginagamit. Nagkataon lang talaga na ang ibang kompanya ay pinapayagan ang tagalog subalit kung pagbabasehan wikang Ingles ang daan para maging matagumpay sa buhay.
Base po sa aking napansin sa panahon na natin ngayun, dahil karamihan rin sa ating mga pinoy ang mahilig makisalamuha sa ibang bansa. Ay may tendency na madalas pumapalagay na lamang sa mga dayuhan na hanap buhay at baliwala narin ang sariling wika sa di gaanong napapansin sa karamihan.
TumugonBurahin